Opisyal na inilunsad ng NUSTAR Online ang Binibining Pilipinas Fashion Show sa Lagoon sa Gateway Mall 2 noong Mayo 8, 2026 sa pamamagitan ng isang espesyal na opening presentation na nagbigay ng mas matinding excitement para sa isa sa pinakaaabangang swimsuit fashion show ng prestihiyosong pageant.
Tampok sa opening segment ang lahat ng 36 na kandidata ng Binibining Pilipinas 2026 na rumampa sa entablado habang ipinapakita ang elegante at graceful na choreography sa BBP x NUSTAR Online music. Suot ang maroon na NUSTAR Online Filipiniana cover-ups na ipinares sa white jeans, matagumpay na naipakita ng mga kandidata ang modernong Filipina style na nagbigay ng mataas na anticipation para sa fashion show proper.
Matapos ang opening number, inilabas din ang isang behind-the-scenes preview ng paparating na BBP x NUSTAR Online collaboration project, na lalo pang nagpasigla sa patuloy na partnership ng lifestyle gaming brand at ng Binibining Pilipinas organization.
Pinangunahan ng stylist na si Patrick Henry Mergano ang runway looks ng mga kandidata na kalauna’y nagsuot ng makukulay na swimwear pieces mula sa Dia Ali na dinisenyo ni Justine Aliman. Tampok sa koleksyon ang vibrant tangerine, turquoise, at lime tones na nagbigay ng fresh at modernong dating sa runway presentation.
Kinumpleto naman ang kanilang ov
Mas lalong naging makulay ang programa nang rumampa si reigning Bb. Pilipinas International 2026 Katrina Anne Johnson kasama ang runners-up na sina Dalia Varde Khattab at Kathleen Enid Espenido, suot ang eye-catching hot pink maillots mula rin sa Dia Ali. Nakatakdang koronahan ni Johnson ang susunod na Bb. Pilipinas International bago niya katawanin ang Pilipinas sa Miss International 2026 sa Japan ngayong Nobyembre.
Bilang presenting partner, patuloy na ipinapakita ng NUSTAR Online ang suporta nito sa mga platform na nagbibigay-pugay sa umuusbong na talento ng mga Pilipino at nagbibigay inspirasyon sa kababaihan upang maipakita ang kanilang adbokasiya, indibidwalidad, at potensyal.
Sa pamamagitan ng partnership nito sa Binibining Pilipinas, nananatiling committed ang NUSTAR Online sa paglikha ng meaningful experiences na nagtatampok sa modernong Filipina—sa entablado man o sa iba’t ibang larangan.
Patuloy ding naghahatid ang lifestyle gaming brand ng elevated gaming at lifestyle experiences sa pamamagitan ng mga eksklusibong campaign gaya ng Luxury Summer Getaway, kung saan may pagkakataon ang mga manlalaro na maranasan ang isang marangyang 5-star staycation sa NUSTAR Resort Cebu.









